Friday, February 27, 2009

Isang Pananaliksik tungkol sa mga Artistang nakatapos at Hindi nakatapos ng pag-aaral


Isang Pananaliksik tungkol sa mga Artistang nakatapos at Hindi nakatapos ng pag-aaral

A. Panukalang Pahayag:

Nakakaapekto ang antas ng edukasyon sa nararating ng artista

B. Introduksyon

Paksa:

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang epekto ng antas ng edukasyon sa nararating ng artista.

Suliranin:

Karamihan sa mga kabataang artista ngayon ay mas pinahahalagahan ang pagartista kaysa ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kaligiran ng Paksa/ Suliranin:

Inisasantabi muna ng mga kabataang artista ang pag-aaral at mas pinipili ang pagaartista. Masasabing dahil ito sa pagkakaroon nila ng kita, o di kaya dahil sa personal nila itong kagustuhan, o kagustuhan ng kanilang mga magulang.

Personal/Panlipunang udyok sa pagpili ng paksa:

Ang mga mananaliksik ay mga estudyante sa kolehiyo na nais makapagtapos na pag-aaral. Nais nilang malaman ang mga napagdaraanang suliranin ng mga artista, na nagiging sanhi ng kanilang pagtatapos o hindi pagtatapos sa pag-aaral.

Gusto din ng mga mananaliksik na matuklasan ang mga paraan kung paano nila nabalanse ang kanilang pag-aaral at showbiz, at ano ang nagiging epekto nito sa kanila.

Ang pananaliksik din na ito ay mabibigyang kaalaman ang mga estudyante ukol sa kahalagahan ng edukasyon.

C. Rebyu ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nakahanap ng mga artikulong mayroong direkta o hindi direktang kinalaman sa napili nitong paksa. Ito ay ang magasin ng “Candy”, “Seventeen” at “Marie Claire”, na lahat ay nilimbag ng Summit Media, mga artikulo sa opisyal na website ng mga artista, o ng “network na kinabibilangan nila at ang mga artikulo sa website ng “Philippine Entertainment Portal”. Ang mga atikulo dito ay direktang may kinalaman sa paksa. Karamihan sa mga pinagkunan ng mga mananaliksik ay ang magasin, internet at dyaryo, dahil doon kadalasang nakalimbag ang mga interbyu o mga opinyon ng mga artista tungkol sa paksa, malimit matatagpuan sa isang libro ang ganitong paksa.

D. Layunin

Pangkalahatan

Gayundin ang matuklasan ang mga kinahinatnan ng mga nakatapos at hindi nakatapos sa pag-aaral na mga artista.

Tiyak

Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay ng mga impormasyon tungkol sa antas ng edukasyon na narating ng mga artista.

Layunin ng pananaliksik na ito ang magbigay impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

E. Halaga

Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil makapagbibigay ng kaalaman sa mga mambabasa kung paaano mababalanse ang pag-aaral at pagtatrabaho. Makasisinop din ito ng mga impormasyon sa mga kinahinatnan ng mga artistang nakatapos at hindi nakatapos, na maaring maging basehan ng mga mambabasa kung ano ang nararapat na gawin kung malagay sila sa parehong sitwasyon. Makatutulong din ang pananaliksik na ito sa mga estudyanteng nagtatrabaho, dahil mabibigyan sila ng ideya kung papaano ibalanse ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.

F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas
















Ang isang artista ay maaaring nakapagtapos, hindi nakapagtapos o huminto at patuloy na nag-aaral, maaring nakakaapekto ng direkta o hindi sa tagumpay o narating at sa dami ng proyekto ng artista ang kanyang antas ng edukasyon. Ang kita rin ay masasabing salik sa hindi pagtatapos o paghinto ng pag-aaral ng isang artista, ang pag-tatalaga naman ng oras sa tamang paraan ay maaring dahilan ng pagtatapos ng isang artista.


G. Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito, ay magsisimula sa pagkakalap ng mga impormasyon tungkol sa paksa. Makukuha namin ang mga impormasyon na ito sa mga artikulo sa dyaryo o magasin, mga libro, interbyu at ang internet.

H. Saklaw o Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tatalakayin lamang ang antas ng edukasyon nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Biboy Ramirez, Alfred Vargas, Melanie Marquez, Rica Paralejo, Ernest Lorenzo Dee, Maxene Magalona, Karylle, Francisco Domagoso, Sam Milby, Iya Villania. Hindi tatalakayin ang personal na buhay nila, tulad ng kanilang pamilya, o mga relasyon nila. Ang pagbabasihan ng pananaliksik nito ay ang resulta ng surbey, ang mga artikulong nakalap, at ang interbyu sa mga artista.

I. Daloy ng Pag-aaral

Sa unang kabanata ang mga pananaliksik ay nagkasundo na ang kanilang panukalang pahayag ay “Nakakaapekto ang antas ng edukasyon sa nararating ng artista”, na ang paksa ay ang epekto ng antas ng edukasyon sa nararating ng artista. Sa dalawang pahayag na ito iikot ang pananaliksik na ito. Layunin nito na kung mayroong direktang epekto sa isang artista ang antas ng edukasyon na kanilang natapos. Tinalakay din sa kabanatang ito ang mga pinagkunan ng impormsyon ukol sa kadahilanan sa pagtigil ng pag-aaral, pag-sabay sa pag-aaral at pagtalikod ng tuluyan sa mundo ng showbiz ng mga artista


II. Ang Artista at Edukasyon


A. Introduksyon sa Pananaliksik

Sa panahon ngayon marami nang kabataan ang nagnanais maging artista at karamihan ay pinagsasabay ang pag-aaral sa pagaartista o humihinto na ng tuluyan. Nais ng mga mananaliksik na malaman kung mayroong epekto ang antas ng edukasyon sa nararating ng isang artista.

Aalamin ng mga mananaliksik kung meron nga bang kinalaman ang natapos ng isang artista sa kanilang tagumpay at kung bakit mas pinipili ng karamihang artista ang ihninto ang pag-aaral kapalit ng pag-aartista. Layunin ng mga mananaliksik na magbigay ng mga impormasyon tungkol sa antas ng edukasyon na narating ng mga artista at magbigay impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Ang pananaliksik na ito ay magagamit ng mga mambabasa upang maging gabay nila kung malagay man sila sa parehong sitwasyon. Mabibigyang kaalaman din sila tungkol sa mga artistang nakatapos o hindi nakatapos ng pag-aaral at kung ano ang mga kinahinatnan ng mga ito. Makukuha ng mga mananaliksik ang mga impormasyon na kailangan gamit ang dyaryo, magsin at internet.

Ang pananaliksik na ito ay tatalakayin lamang ang antas ng edukasyon nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Biboy Ramirez, Alfred Vargas, Melanie Marquez, Rica Paralejo, Ernest Lorenzo Dee, Maxene Magalona, Karylle, Francisco Domagoso, Sam Milby, Iya Villania. Hindi tatalakayin ang personal na buhay nila, tulad ng kanilang pamilya, o mga relasyon nila. Ang pagbabasihan ay ang mga artikulong nakalap na kinapapalooban ng mga panayam sa artista.


B. Ilaw na Buhay para sa Edukasyon

Ang mga nakalap naming impormasyon ukol sa edukasyon ng mga artista ay ang mga sumusunod:

Mga nakalap na artistang hindi nakapagtapos:

Anne Curtis

Isinaad ni Anne Curtis sa isang interview niya sa magazine hindi pa niya iniisip ang pagpapatuloy sa kolehiyo, dahil mas gugustuhin niya pa daw na magpokus sa kanyang kareer. Ipinaliwanag din niya na, naniniwala siya nakapagbumalik siya sa pag-aaral at nakapagtapos ay maghahanap lang naman siya ng trabaho na sa kasalukuyan ay meron na siya.
“We might not gain the regukar education other kids acquire form going to school and reading books--- but we learn about life.” – Anne Curtis
(Puno, Lyea."Anne Curtis, All tht Glitters isn’t Gold " Seventeen Magazine May 2007: 93).

Sarah Geronimo

Nag-aral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya ay nasa Sekondaryang Antas ngunit hindi siya nakatapos dahil sa kanyang “career” kaya siya ay pumasok sa isang Home Study Program. Binabalak niyang mag-kolehiyo sa parehong unibersidad, sa kursong Music.

(Curtis, Irene. “Grown Princess” Seventeen Magazine Jan-Feb 2007: 87).

Samulel Llloyd Lacia Milby

Sa tingin ko ay dapat itanong nila sa DepEd at sana magawa nilang makuha ang dahilan kung bakit ako ang napili nila, at sigurado akong meron silang iba't ibang pamantayan. Ako ay narito upang sumoporta at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang makatulong at mapalakas ang loob ng mga kabataan," nakangiting pahayag ni Sam.

Sinabi ba sa kanya ng DepEd kung bakit siya ang piniling Youth Spokesperson at Role Model? "Hindi, sa totoo lang ay hindi nila talaga sinabi kung bakit," sabi niya. "Ako, ginawa ko ang lahat para makapagsalita ng diretsong Filipino at masasabi kong, unti-unti, ako'y natututo na ng lenguaheng ito. Tungkol sa aking narating sa pag-aaral, kahit na hindi ako nakatapos ng kolehiyo, ako ay nagpapasyang bumalik uli sa pag-aaral. Kaya lang, wala akong panahon ngayon. Natapos ko ang aking unang taon sa kolehiyo sa Wright State University, Dayton, Ohio, at "Computer Engineering" ang kinuha ko" (Llanera, Melba. “Sam Milby answers criticism against his appointment as DepEd's Youth Spokesperson and Role Model”.telebisyon.net.http://telebisyon.net/balita/Sam-Milby-answers-criticism-against-his-appointment-as-DepEds-Youth-Spokesperson-and-Role-Model/artikulo/31547/).

Biboy Ramirez

Ang pinakamalaking pagsisisi niya ay ang hindi pagtapos sa kanyang pag-aaral. Hindi nagmula sa angkan ng mga artista si Biboy, nadiskubre lang siya ng isang manager, nag-aaral siya noon. Sa umpisa,inisip lang niya ito bilang “summer job” kaya pumayag siya sa inaalok ng manager di kalaunan dumami ang kanyang trabaho at maayos naman ang pera na kanyang kinikita at di kalaunan ay ipnagpalit niya ang pag-aaral niya at mas piniling magtrabaho bilang artista.

Hangang ngayon ay hindi pa siya nakakatapos sa pag-aaral dahil sa desisyon niya na mas piliin ang pag-aartista. Noong una ay masasabing siya ay sumikatt at madami ang kanyang proyekto, ngunit ngayon ay hindi na siya gumaganap bilang bida, maliliit na programa na lang ang kumukuha sa kanya (Phillipine Daily Inquirer: Entertainment, March 22 2008).

Mga nakalap na artistang nakapagtapos:

Iza Calzado
Ipinanganak bilang Maria Izadora Ussher Calzado. Ang kanyang ama ay isang cheoreographer at TV director na siLito Calzado at ang kanyang ina ay ang yumaong Irish-Spanish-Filipina, Mary Ann Ussher. Ang kanyang kapatid na nagngangalang Dash ay isang miyembro ng Legit Misfitz, isang Pinoy rap group. Nakapagtapos siya ng kanyang undergraduate education sa University of Santo Tomas sa isang degree sa Fine Arts.

Francisco Domagoso

Si Francisco Domagoso mas kilala sa pangalang “Isko Moreno” ay nagsimula sa “That’s Entertainment” isang popular na palabas noon kung saan nagsimula ang mga kilalang artista ngayon tulad ni Jean Garcia at Billy Crawford, bago siya mabigyan ng mas mabibigat na pagganap. Naging tampok siya sa ibat-ibang palabas tulad ng Muntik na kitang Minahal” (1994), Siya'y Nagdadalaga (1997), “Frats” (1997), “Exploitation” (1997), “Mga Babae sa Isla Azul” (1998), “Bakekang”(2006), "Ligaw na Bulaklak" (2008).

Siya ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, kaya hayskul lang ang kanyang natapos, ngunit sa kabila nito ay tumakbo pa din siya bilang konsehal ng Maynila, nanalo siya at naglingkod ng tatlong magkakasunod na termino sa Unang Districto ng Maynila. Inamin niyang ang kahinaan niyang ito ay naging dahilan ng pagmamaliit sa kanya ng mga politikong nakasama niya. Ito ang naging dahilan kung bakit nagpasiya siyang kumuha ng maikling kurso sa “Local Legislation and Local Finance” sa Unibersidad ng Pilipinas. Pagkatapos ay nagpatuloy siyang mag-aral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa kursong “Public Administration”, kasalukuyan siyang nag-aaral bilang law student sa Arellano University. Siya rin ang Bise-tagapangulo ng “Manila Historical and Heritage Commission at kasalukuyang Bise-alkalde ng lungsod ng Maynila (“Francisco "Isko Moreno" Domagoso”.manilacityph.com. http://www.manilacityph.com/vice.html).

Maxene Magalona

Naniniwala si Maxene Magalona sa kahalagahan ng edukasyon kaya naman mas inuuna niya ito kaysa pag-aartista. Nakapagtapos siya sa Ateneo de Manila University sa kursong AB social sciences.
"Education is very important kasi 'yong showbiz career, hindi naman 'yan forever. Kailangan mayroon ka ring fallback na puwede mong gamitin in the real world. Siyempre hindi ka naman forever sikat, hindi ka naman forever magkakaroon ng projects. So kailangan mayroon ka rin magamit to earn a living in the future." – Maxene Magalona, Philippine Entertainment Portal

Alam ni Maxene na hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga magulang, pero hindi ito ang dahilan kaya gusto niyang makapagtapos. Naniniwala siya na kahit hindi nakapagtapos ang isang tao ay mayroon din itong pagkakataon na magtagumpay sa gusto nitong mangyari sa buhay. Ginawa nga niyang halimbawa ang kanyang amang si Francis M. na hanggang ngayon ay sikat pa rin bilang musikero at TV host.

"We don't judge people who don't finish their schooling kasi alam naman natin na kahit di ka nakapagtapos ay kaya mo pa ring abutin kung ano 'yong gusto mong abutin. But for me, I just want to be able to finish para may opportunity," paliwanag ni Maxene (Datu, Alex. “Maxene Magalona enjoys Showbiz but Education comes first”. telebisyon.net .http://telebisyon.net/balita/Maxene-Magalona-enjoys-showbiz-but-education-comes-first/artikulo/3170/).

Melanie Marquez

Matagal ng pangarap ni Melanie Marquez na magkaroon ng isang degree sa kolehiyo, sapagkat naniniwala siya na ang pag-aaral ay maaring pagmulan ng lakas; kaya pinagpatuloy niya ang pag-aaral noong siya’y nagkaroon ng sapat na oras para dito.
Hindi naglaon, siya ay nagtapos ng kolehiyo bilang isang cum laude sa paaralang IAME (International Academy of Management and Economics). At sa kanyang talumpati, pinagdiinan niya na ang prayoridad niya sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral (Martinez Belen, Crispina. “Melanie’s son Manuelito comes home for her graduation rites”.mb.com.ph.http://www.mb.com.ph/issues/2006/11/23/ENTR2006112380412.html)



Vilma Santos

Ang buong pangalan niya ay Maria Rosa Vilma Tuazon Santos ipinanganak noong, Nobyembre 3, 1953 sa Trozo, Magdalena, Tondo, Manila. Siya ay nakapagtapos sa Lipa City College. Ang kareer niya sa politika ay nagsimula noong 1998 noong tumakbo siya bilang Punong bayan ng Lipa City, Batangas, kung saan nakatira ang kanyang maybahay. Nanalo si Vilma ng tatlong sunod-sunod na eleksyon bilang Punong bayan, siya ay naglingkod ng anim na termino.

Karylle Tatlonghari

Si Karylle ay ang anak ng kilalang singer-actress na nagngangalang Zsa Zsa Padilla. Noong 2002, siya ay nagtapos mula sa Ateneo de Manila University na may isang degree sa Communications Technology Management (Comtech). Bago sumabak sa showbiz, nag pokus muna siya sa kanyang pag-aaral.

Alfred Vargas

Nang makapagtapos si Alfred Vargas sa Ateneo de Manila University sa kursong Bachelor of Arts degree in Management Economics, pinagtuunan niya ng panahon ang pag-akto, nakatanggap siya ng maraming proyekto at nagkamit ng ilang paranggal (Vargas, Alfred. “Edukasyon”. alfredvargas.com.ph. http://www.alfredvargas.com.ph/about).

Iya Villania

Sa kabila ng pagiging abala sa gawaing artista ang pasikat na si Iya Villania ay nakuha pang unahin ang pag-aaral. Sa katunayan ay sa dalawang semestre pa siyang nakasama sa "Dean's lister" sa Unibersidad ng Dela Salle noong siya ay nasa ika-apat na taon sa kursong "A.B. Psychology", isang kapalaran na di karaniwan. Ang mga natamong malaking karangalan ay isang magandang inspirasyon para sa mga kabataang taga hanga niya. Ang tagumpay ng matalino at artikuladong “Myx Vj” na isa ring "T.V. host", artista, mang-aawit, "commercial endorser" ay dahil lamang sa tamang pag-hahati-hati ng oras at tamang pagpapayoridad (http://forums.abs-cbn.com/21/2854833/ShowThread.aspx).

Mga nakalap na artistang ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral:

Ernest Lorenzo Dee

Siya ay nag-aaral sa De Lasalle University sa kursong political science, napili niya ito dahil nangangarap siyang maging ombusdman balang araw. Upang mabalanse ang pag-aaral, showbiz, at ang isports niyang "swimming" ay ang pagpasok niya sa eskwelahan kapag Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Pagkatapos ng kanyang klase ay mayroon siyang "pictorials" at "rehersals". Ang "tapings" naman niya ay tuwing martes, huwebes at sabado. Ginagawa niya ang kanyang takdang aralin sa pagitan ng mga tapings niya o tuwing break. Sinisigurado niyang nakatuon ang kanyang pansin sa kung ano man ang kanyang gingawa-- dahil para sa kanya iyon ay kaniyand obligasyon(Candy Magazine, May 2007, Summit Media, pp.6-7 "Waterboy" by Angel Constantino).

Rica Peralejo

Si Rica Peralejo sa kasalukuyan ay nag-aaral sa Ateneo de Manila University. Inilaad ni Rica na mas prayoridad ni Rica ang pag-aaral kaysa sa pag-aartista.
"It's not a fallback. Pag-aartista is my fallback. It's the other way around, I'm always gonna be an artista. I'm always going to be a performer, but I'm pretty sure that my purpose is way beyond this. God is not limiting me. Why should I limit myself, 'di ba?" – Rica Peralejo (Lim, Candice. “Rica Paralejo passes Ateneo Exam”. telebisyon.net.
http://telebisyon.net/balita/Rica-Peralejo-passes-Ateneo-exam/artikulo/2149/)

B.Tagumpay sa Harap at Likod ng Kamera

Sa mga natipong impormasyon ng mga mananaliksik, walo dito ay nakatapos, dahil sa kanilang pagpapayoridad sa pag-aaral, dalawa naman ang kasalukuyang nag-aaral dahil para sa kanila kaya naman pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral at isa pa rin itong mahalagang aspeto sa kanilang tagumpay , at apat ang huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng oras para dito.

Masasabing halos walang naging epekto sa tagumpay ng mga artista ang hindi nila pagtatapos, dahil si Anne Curtis, Sarah Geronimo at Sam Milby ay kasalukayang matagumpay, marami silang proyekto at masaasabing kilala sila sa kasalukuyanbg panahon.

Subalit, hindi hinihikayat ng mga mananaliksik na huwag tapusin ng mga kabataang mag-aaral ang kanilang pag-aaral dahil hindi pa din praktikal ang hindi pagtatapos. Ang ang pag-aartista ay parang sugal, maaari kang magtagumpay o hindi, bubuuin ka nito o di kaya ay sisirain. Kagaya na lamang ni Biboy Ramirez, ayon sa isang panayam sa kanya mula sa “Philippine Daily Inquirer”, pinagsisihan niya ang hindi pagtatapos, dahil kaunti na lang ang kanyang programang ginaganapan, hindi pa siya nakatapos ng pag-aaral kaya nahihirapan siya ngayong magtagumpay sa labas ng pag-aartista o sa tunay na buhay.

Malaki man ang sahod sa ganitong trabaho kahit hindi ka nakapagtapos, iba pa din kung mataas ang antas ng iyong edukasyon. Ayon kay Bise-alkalde Francisco “Isko Moreno” Dumagoso na dating artista, “ang edukasyon ay isang mahalagang salik sa tagumpay, dahil ginagamit nito ang kaalaman at karanasan para makilala at magamit ang oportunidad bilang parte ng pagbabago at pag-unlad”(2008). Magkakaroon ng mas maraming pagkakataon ang isang taong mataas ang antas ng edukasyon kaysa sa artistang hindi nakatapos. Mas mainam kung hindi lang pagiging artista ang pinagmamalaki ng isang tao kundi pati na rin ang pagiging edukado nito. Ang edukadong tao ay nirerespeto sa lipunan, at kung isa pa itong artista, tiyak na dadami pa ang trabaho o oportunidad ang darating sa kanya sa showbiz man o hindi.

A. Konklusyon

Sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon, napagalaman ng mga mananaliksik na ang karaniwang nagiging dahilan ng hindi pagtapos ng pag-aaral ng mga napiling artista, ay ang oportunidad na maging isang artista, ginugusto nila na kunin muna ang ganitong pagkakataon kaysa mag-aral, sa kabilang banda, ay mayroon din namang mga artista na pinagsasabay ang pag-aaral at showbiz.

Ang mga nagpapatuloy naman na mag-aral ay ginagamit ang tamang pag-tatalaga ng kanilang oras at tamang pagpapayoridad ng kanilang mga gawain, ganito din ang ginawa ng mga nakatapos sa pag-aaral na mga artista.

Natukalasan din ng mga mananaliksik na taliwas ang resulta sa kanilang panukalang pahayag. Ang antas ng edukasyon ng isang artista ay walang direktang epekto sa tagumpay nila sa showbiz, dahil sa mundo ng showbiz hindi masyadong binibigyan halaga ang antas ng edukasyon na narating ng isang artista, ang mahalaga ay nakapagpapasiya sila ng tao sa pamamagitan ng pag-akto.

B. Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay maaari pang mapagbuti sa pamamagitan ng panayam sa mga artistang tampok sa pag-aaral na ito, dahil mas mabibigyan nila ng tamang tugon ang aming mga katanungan ukol sa paksa. Makabubuti din kung makakakalap ng mas madaming datos ang mga susunod ng mga mananaliksik na tampok ang mga mas matatandang artista o ang mga beteranong artista upang makakuha sila ng mas mahusay na tugon ukol sa paksa. Maaari din namang magsagawa ng isang paghahambing para maipakita ng husto ang kaibahan ng mga artista sa isat-isa.

No comments:

Post a Comment